Our Lady of the Angels Parish
 
 
PABATID

Bookmark and Share

APR
28
2020

Sa mahigit na isang buwan ng enhanced community quarantine, hindi naputol ang ating kaugnayan sa isa't isa sa diwa ng panalangin at ng Banal na Eukaristiya.

Maraming salamat po sa lahat ng nakibahagi sa Bigas at Dasal Relief operations ng parokya. Kahit hindi tayo nag-solicit ng pondo, ang mga kusang-kaloob ay umabot ng php224,000 (as of April 27, 2020). Nakapagsagawa tayo ng 1st at 2nd wave ng pamimigay sa 22 barangay na sakop ng parokya. Umabot ng 164 na sako ng bigas ang naipamahagi na sa halos 4,000 na pre-surveyed household. Nakapagbahagi rin tayo ng tig-isang sakong bigas sa mga kalapit na parokya.

Pagkatapos ng ECQ sa Mayo 15, isang bagong normal na ang ating babalikan. Ayon sa mga eksperto, maaaring limitado pa rin ang mga papayagang pampublikong pagtitipon - hangga't hindi nakakatuklas ng lunas sa mapaminsalang Covid19.

Dahil dito, patuloy tayong makikiisa sa mga mahahalagang gawain ng Simbahan sa ating mga tahanan (via facebook at radio). Maraming pagbabago ang patuloy na gagawin para maiwasan ang maramihang pagtitipon ng mga tao. Ang ilan ay pinagpasyahang ilipat sa ibang petsa:

1. Sa halip na gawin noong Martes Santo ang pagbabasbas ng Krisma (Chrism Mass), gaganapin na ito sa Setyembre 8, 2020 sa okasyon ng Ika-70 na Anibersaryo ng Diocesis ng Lucena.

2. Sa halip na isagawa ang inaabangang prusisyon ng Biyernes Santo, iminungkahi ng Congregation for Christian Worship na ilipat ito sa Setyembre 14, Kapistahan ng Pagtatanggal ng Banal na Krus o sa Setyembre 15, Kapistahan ng Birhen Dolorosa.

3. Sa halip na gawin ang Bihilya sa Santisimo Sakramento noong Huwebes Santo, maaari itong ilipat sa Kapistahan ng Corpus Christi sa buwan ng Hunyo 2020 (kung papamamayagan na ito sa panahong ito).

Sa ating parokya:

1. Sa halip na ganapin ang araw-araw na Misa, Salve at pag-aalay ng bulaklak kay Maria simula sa buwan ng Mayo, isasagawa natin ang online Mayflower Mass tuwing ika-9 ng umaga (dating oras) sa ating FB page @AtimonanCatholicChurch. Tatapusin ang Misa sa pag-awit ng Salve (kahit walang pag-iinsenso).

* Kaugnay nito, ang Daily Rosary at Divine Mercy Chaplet na ginagawa natin tuwing ika-9 ng gabi, ay mapapalipat sa ika-6 ng gabi pagkatapos ng Regina Coeli simula sa Mayo 1, 2020.

2. Sa halip na mag-alay ng bulaklak sa Mahal na Birhen, inaanyayahan ang mga debotong gustong makibahagi (o kaya ay ang nakatokang magpa-rama) na tumayong "Mayflower Online Mass Sponsor." (Tingnan ang detalye sa ibaba.)

3. Sa halip na ituloy ang pag-aalay ng school supplies sa mga Misa sa buwan ng Mayo, na ipinamimigay sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan na nangangailangan, maaari itong ilipat sa Misa Nobenaryo sa ating patrona, Mahal na Birhen Reyna ng mga Anghel sa buwan ng Hulyo-Agosto.

4. Maaari rin (kung sakaling hindi pa maisasagawa dahil sa quarantine) na sa halip isagawa ang prusisyon ng Flores de Maria sa huling Linggo ng Mayo, ililipat ito sa prusisyon ng ating Patrona sa Agosto 2 (o maaari pa rin sa pagtatapos ng Buwan ng Sto. Rosaryo sa Oktubre).

5. Sa halip na magdaos ng prusisyon ni San Isidro Labrador sa Mayo 15 na sakop pa ng ECQ, inaanyayahan ang mga may saganang ani sa kanilang bukid na magbahagi ng gulay at iba pang bunga ng lupa sa kanilang kapitbahayan, lalo na sa mga nangangailangan. (Pairalin ang diwa ng pagbabahaginan o koinonia sa mga K3 o Kapitbahayang Kristiyanong katiwala, subalit manatili sa kani-kanilang purok at i-observe ang physical distancing.)

Para sa may nais maging "Mayflower Online Mass sponsors" (kagaya rin ng ginagawa natin pag Fiesta o Simbang Gabi, na naka-flash ang daily sponsors sa powerpoint tuwing bago magmisa online), maaari pong pagpilian ang mga sumusunod:

( ) para sa isang araw ng Mayo - p50/ ( ) para sa 2 araw ng Mayo - p100/ ( ) para sa 1 Linggo ng Mayo - p350/ ( ) para sa buong buwan ng Mayo - p1500

( ) Pasasalamat/ ( ) Natatanging Kahilingan/ ( ) Paggaling sa Karamdaman/ ( ) Kapayapaan ng Yumao

Maaari po nating idaan ang inyong mga kaloob sa:

1. Opisina ng Parokya (bukas mula Martes hanggang Sabado, 8am - 11:30am at 2pm - 4pm; at tuwing Linggo, 8am - 1130am)

o kaya:

2. PNB Atimonan (online or over the counter)
Account name: RCBL-OUR LADY OF THE ANGELS PARISH
Account number: 247610037783

Malaking tulong po ito sa maintenance at upkeep ng Simbahan habang walang pang public Masses na ginaganap. Salamat po.

Reb. P. Ralph Peñaflorida/ Reb. P. Merlin Las Piñas/ Reb. Msgr. Noel Villareal

 
Bookmark and Share
 

+ View More
 
 
 
 
Log In

Email
Password
 

Sign Up | Retrieve Password
 
Search

 
Daily Thoughts

Sa Isang Salita: 'Bisyo'
Sa Isang Salita: 'Regalo'
Sa Isang Salita: 'Paghahari'
Sa Isang Salita: 'Bukod'
Sa Isang Salita: 'Katiwala'
Sa Isang Salita: 'Credential'
Sa Isang Salita: 'Rubicon'
Sa Isang Salita: 'Kinig Kita'
Sa Isang Salita: 'Sagot'
Sa Isang Salita: 'Pagkabagabag'

+ View More
 
 
Parish Activities

70th Diocesan Anniversary
Prayer for our Healthcare Workers
Pope Francis' Prayer to Our Lady fo
PABATID
Letter of Pope Francis to the Faith
Pasko ng Pagkabuhay
Easter Vigil Homily
Lenten Message
The Church's Action in the Midst of
Online Holy Week Services sa FB @At

+ View More
 
 
Companion Saints

St. Paul of the Cross
Sts. Isaac Jogues and Rene Goupil
St. Luke
St. Ignatius of Antioch
St. Gerard Majella
St. Teresa of Avila
St. Callistus I
St. Edward the Confessor
St. Wilfrid
St. John XXIII

+ View More
 
 
Photo Gallery

2nd Sunday Advent
Regalo ng Buhay
Medical Mission
2019 Palm Sunday Photo 2
2019 Palm Sunday Photo 1
5th Sunday Lent 2019
Metanoia
Our Lady of the Angels Parish
Meme March 10
Our Lady of Lourdes Feast Day Photo
 
Happy Birthday!

October Celebrants
 
03 BuIEJDfv 0_
08 vOHbJhZDuVpNTCy 0_
08 VEwHsbkcygWMK 0_
08 iyKlGdHCYLFDZVT 0_
08 xYtjCwpzk 0_
08 tLuGWEJUCswmjQk 0_
24 Rafael 5_
28 Jane 4_